Apl de Ap of Black Eyed Peas' birthday bash at The Highlands

 

-originally posted at CarouselPinoy.com

-Red carpet management and Publicity by Oliver Carnay of International Artists PR & Talent Management

Apl de Ap of Black Eyed Peas' Birthday Bash-Party at The Hollywood & Highlands

(November 28, 2005) Biglaan man ang paghahanda sa kaarawan ni Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas ay nairaos ito ng maganda. Hirap sa parte ko dahil habang nasa San Francisco ako't naghahanda sa preliminary judging and interview para sa Ginoong Pilipinas 2006 (ginanap ng Nobyembre 27, Linggo) ay fina-finalize ko naman ang pagtatawag ng mga celebrities at international media para sa red carpet arrivals. Kailangan kong makipag-coordinate kina DJ Rocky Rock (assistant ni Apl) at Myron Marten, na isa ring party-event coordinator.

Medyo ngarag ako sa pagmamadali paglapag ng eroplano mula sa Oakland pabalik ng Burbank Airport ng Nobyembre 28, Lunes, alas singko ng hapon dahil kailangang nasa The Highlands na ako ng alas-sais para sa mga naghihintay na press at broadcast media para mag-check-in.

Dumating si Apl, halos kasabay nina Lani Misalucha, Lalaine, Rex Navarette, at ang boksingerong si Brian Villoria sa red carpet. Hindi man nakarating si Cris Judd ay ipina-abot nito sa publicist nito ang taos-puso nitong pagbati (magkasama ang dalawa sa pinarangalan sa nakaraang Reflections XVII). Late man nakarating si Fergie ay naghandog ito ng kanta sa may kaarawan at nakipag-jamming ito kina Taboo at Apl (hindi nakarating si Wil.I.Am). Hindi ko man napansin kung nakarating si Gwen Stefani (galing ito sa concert nito sa Arrowhead Pond) dahil hindi ko natapos ang party at nauna na akong umuwi.

Unique at napakaganda ng pagkakagawa ng "Jeepney" birthday cake ni Apl na regalo ng Goldilocks Bake shop. Sa pangunguna ni Taboo, isa sa miyembro ng BEP ay umawit ng

"birthday song" ang lahat, pagkatapos mag-duweto ang dalawa. Kabilang sa mga naroon ay ang magkakapatid na Basco (Dante, Darion, Dion at Derek), ang Fil-American aktres ng "Kiss Kiss, Bang Bang" na si Teresa Herrera, Mia Guzman, ang manager ng BEP na si Polo Molina, Andy Wong (manager ni Rocky Rock); sina Edwin at Lani Racquel, Noli Misalucha (ang asawa ni Lani Misalucha na kabilang sa Rosy Cheeks Productions, ang management company ng "Lani Misalucha with SOS"), ang personal make-up artist ni Lani - Nemie Rafanan, at ang mga Leelin ng Goldilocks; Cora Macabagdal ng Asian Journal; Emma Tiebens (www.bellagemma.com).

Michelle Deighton (America's Next Top Model ng UPN), ang cast ng PIECES OF ASS (Elise Marin, Alison Haislip, Jill Bartlett, Ivory May, Shawn Richardz, Erin Stutland, at Danielle James) na kasalukuyang nagbabalik sa Roxy Theatre sa Sunset Blvd.; Alek Carrera, Angelo Santos (couturier designer ng "The Bold & The Beautiful" ng CBS); Chad Hugo; Brian Guest (Evil Unleashed, Passions); Gregory Lorenzana; Jenilee Reyes; Juliette Harris; Katherine Kramer; ang R&B singer na si Miss Issa; Richard Chiu (from the upcoming movie "Baby"); Santiago Douglas (bida sa "Girlfight" at kasalukuyang nag-pro-promote ng kanyang bagong banda, Arden Fisher, ang bagong singer ng Balumba Records; upcoming actor Wil Stiles; Veronica Vine; Ana Puno at Mike Dalisay ng Starmedia Entertainment; Atty. Richard Wilner at ang maybahay nito, si Christy; at marami pang iba.

Nag-DJ sina DJ Motive8, DJ Poet, DJ Replay, at ang mga kasamahan nito sa BEP DJ Family.

Gusto kong mag-pasalamant kina Rocky Rock, Myron Marten, DJ Poet, Monet Lu, R.A. Mendoza, Marian Maraya at mga kasamahan nito for helping out and "we were able to put out everything in a very short time." Also, to Joseph at Efren (of Aqua Imaging, for putting out the backdrop in a very short notice but was able to deliver it on time). (Photos courtesy of photographer Sthanlee B. Mirador).





Content Management Powered by CuteNews
Copyright © 2007 International Artists PR & Talent Management. All rights reserved.
Site design by: Agimat Studio